18Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, “Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya.” At agad itong lumabas.
19Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan.
20Nang dinala sila sa mga hukom, sinabi nilang, “Judio ang mga taong ito at sila ay gumagawa ng maraming kaguluhan sa ating lungsod.
21Nagtuturo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa ating batas upang tanggapin o gawin bilang mga Romano.”
22At nagkaisa ang napakaraming tao laban kina Pablo at Silas; Pinunit ng mga hukom ang kanilang mga damit at nag-utos na hampasin sila ng pamalo.
23Nang mapalo na sila ng maraming beses, ipinatapon sila sa bilangguan at inutusan ang bantay ng bilangguan na sila ay bantayang maigi.
24Pagkatapos niyang matanggap ang utos na ito, pinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinadena ang kanilang paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
25Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila.
26Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.
27Nagising ang bantay sa kaniyang pagkakatulog at nakitang bukas ang mga pintuan ng bilangguan; hinugot niya ang kaniyang espada at magpapakamatay na sana, dahil inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo.
28Ngunit sumigaw si Pablo ng may malakas na boses na nagsasabing, “Huwag mong saktan ang iyong sarili, narito kaming lahat.”