2Nang makarating si Pedro sa Jerusalem, pinuna ng mga taong nabibilang sa mga tinuling pangkat;
3sinabi nila, “Nakihalubilo ka sa mga hindi tuling lalaki at kumain kasama nila!”
4Ngunit nagsimulang ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang bagay na iyon ng detalyado; sinabi niya,
5Nananalangin ako sa lungsod ng Joppa, nang ako'y makakita ng isang pangitain ng isang sisidlang bumababa, katulad ng malaking kumot na ipinababa sa pamamagitan ng apat na sulok nito. Ito ay bumaba sa akin.
6Minasdan ko ito at inisip ko ang tungkol dito. Nakita ko ang mga may apat na paang mga hayop sa lupa, mga mababangis na hayop, mga hayop na gumagapang, at mga ibon sa himpapawid.
7Pagkatapos narinig ko ang tinig na nagsabi sa akin, “Bumangon ka, Pedro; kumatay at kumain.”
8Sinabi ko, “Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailanman walang hindi banal o hindi malinis na pumasok sa aking bibig.”
9Ngunit ang tinig ay sumagot muli mula sa langit, “Ang ipinahayag ng Diyos na malinis, huwag mong ituring na hindi malinis.”
10Nangyari ito ng tatlong beses, at pagkatapos noon ang lahat ay naibalik muli sa langit.
11At narito, agad na may tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng bahay kung saan kami naroon; sila ay ipinadala sa akin mula Cesarea.
12Iniutos ng Espiritu sa akin na sumama sa kanila, at dapat hindi ako tatangi sa kanila. Itong anim na mga kapatid ay sumama sa akin, at pumasok kami sa bahay ng lalaki.
13Sinabi niya sa amin kung paano niya nakita ang anghel na nakatayo sa kaniyang bahay at nagsasabing, “Magpadala ka ng mga lalaki sa Joppa at sunduin si Simon na ang isa pang pangalan ay Pedro.
14Siya ay magsasalita sa iyo ng isang mensahe na sa pamamagitan nito maliligtas ka— ikaw at lahat ng iyong sambahayan.”
15Nang magsimula akong magsalita sa kanila, dumating ang Banal na Espiritu sa kanila, gayang nangyari sa atin noong una.
16Naalala ko ang mga salita ng Panginoon, kung paano niya sinabing, “Tunay nga na nagbautismo si Juan ng tubig, ngunit kayo ay babautismuhan sa Banal na Espiritu.”
17At kung ibinigay ng Diyos sa kanila ang parehong kaloob na gaya ng ibinigay niya sa atin nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ba ako upang salungatin ang Diyos?”
18Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, “Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay.”
19Kaya kumalat ang mga mananampalataya mula Jerusalem dahil sa paghihirap na nagumpisa noong kamatayan ni Esteban—ang mga mananampalatayang ito ay umabot sa mga malalayong lugar ng Fenicia, Sayprus at Antioquia. Sinabi nila ang mensahe tungkol kay Jesus sa mga Judio lamang, at wala nang iba pa.
20Ngunit ang ilan sa kanila, na mga lalaking taga- Sayprus at taga-Cirene, ay pumunta sa Antioquia at nagsalita sa mga Griego rin at ipinangaral ang Panginoong Jesus.
21At ang kamay ng Panginoon ay kasama nila; malaking bilang ang nanampalataya at bumalik sa Panginoon.
22Ang balita tungkol sa kanila ay nakarating sa tainga ng iglesia sa Jerusalem: at kanilang ipinadala si Bernabe hanggang sa Antioquia.
23Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso.
24Sapagkat siya'y mabuting tao at puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya, at maraming tao ang naidagdag sa Panginoon.