15Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gad: kay Zefon, ang angkan ng mga Zefonita, kay Hagai, ang angkan ng mga Hagaita, kay Suni na angkan ng mga Sunita,
16kay Ozni na angkan ng mga Oznita, kay Eri, ang angkan ng mga Erita,
17kay Arod, ang angkan ng mga Arodita, kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.
18Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Gad, na may bilang 40, 500 na kalalakihan.
19Sina Er at Onan ang mga anak na lalaki ni Juda, ngunit namatay ang mga lalaking ito sa lupain ng Canaan.
20Ito ang mga angkan ng ibang mga kaapu-apuhan ni Juda: kay Sela, ang angkan ng mga Selanita, kay Perez, ang angkan ng mga Perezita, at kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.
21Ito ang mga kaapu-apuhan ni Perez: kay Hezron, ang angkan ng mga Hesronita, kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita.
22Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Juda, na may bilang 76, 500 na kalalakihan.
23Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Isacar: kay Tola, ang angkan ni Tolaita, kay Pua, ang angkan ni Puanita,
24kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita, kay Simron, ang angkan ng mga Simronita.
25Ito ang mga angkan ni Isacar, na may bilang 64, 300 na kalalakihan.
26Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Zebulon: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita, kay Elon, ang angkan ng mga Elonita, kay Jaleel, ang angkan ng mga Jalelita.
27Ito ang mga angkan ng mga Zaebulonita, na may bilang 60, 500 na kalalakihan.
28Ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Jose ay sina Manases at Efraim.
29Ito ang mga kaapu-apuhan ni Manases: kay Maquir, ang angkan ng mga Maquirita (si Maquir ang ama ni Galaad), kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita.
30Ito ang mga kaapu-apuhan ni Galaad: kay Iezer, ang angkan ng mga Iezerita, kay Helec, ang angkan ng mga Helecita,
31kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita, kay Shekem, ang angkan ng mga Shekemita,
32kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita, kay Hefer, ang angkan ng mga Heferita.
33Si Zelofehad na anak na lalaki ni Hefer ay walang anak na lalaki, kundi mga anak na babae lamang. Ang pangalan ng kaniyang mga anak na babae ay sina Mahla, Noe, Hogla, Milca at Tirza.
34Ito ang mga angkan ni Manases, na may bilang na 52, 700 na kalalakihan.
35Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Efraim: kay Sutela, ang angkan ng mga Sutelita, kay Bequer, ang angkan ng mga Bequerita, kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita.
36Ang mga kaapu-apuhan ni Sutela ay sina, kay Eran, ang angkan ng mga Eranita.
37Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Efraim, na may bilang 32, 500 na kalalakihan. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Jose, na naibilang sa kanilang bawat angkan.
38Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita, kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita, kay Ahiram, ang angkan ng mga Ahiramita,
39kay Sufam, ang angkan ng mga Sufamita, kay Hufam, ang angkan ng mga Hufamita.
40Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Ard at Naaman. Mula kay Ard nagmula ang angkan ng mga Ardita, at mula kay Naaman nagmula ang angkan ng mga Naamita.
41Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Sila ay may bilang na 45, 600 na kalalakihan.
42Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Dan, kay Suham, ang mga angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Dan.
43Lahat ng mga angkan ng Suhamita, na may bilang na 64, 400 na kalalakihan.
44Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Aser: kay Imna, ang angkan ng mga Imnita, kay Isvi, ang angkan ng mga Isvita, kay Beria, ang angkan ng mga Berita.
45Ang mga kaapu-apuhan ni Beria ay ang mga ito: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita, kay Malquiel, ang angkan ng mga Malquielita.
46Ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera.
47Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Aser, na may bilang 53, 400 na kalalakihan.
48Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Neftali: kay Jahzeel, ang angkan ng mga Jahzeelita, kay Guni, ang angkan ng mga Gunita,