Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 1

Mga Bilang 1:20-53

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
20Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak ni Israel, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2146, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Ruben.
22Mula sa mga kaapu-apuhan ni Simeon ay binilang nila ang lahat ng pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2359, 300 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Simeon.
24Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gad ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2545, 650 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Gad.
26Mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2774, 600 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Juda.
28Mula sa mga kaapu-apuhan ni Isacar ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2954, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Isacar.
30Mula sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3157, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Zebulon.
32Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3340, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Efraim.
34Mula sa mga kaapu-apuhan ni Manases ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3532, 200 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Manases.
36Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3735, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Benjamin.
38Mula sa mga kaapu-apuhan ni Dan ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3962, 700 ang nabilang nila mula sa tribu ni Dan.
40Mula sa mga kaapu-apuhan ni Aser ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
41500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Aser.
42Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
4353, 400 ang nabilang nila mula sa tribu ni Neftali.
44Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito, kasama ang labindalawang kalalakihang namumuno sa labindalawang tribu ng Israel.
45Kaya lahat ng kalalakihan sa Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat nang maaaring makipaglaban sa digmaan ay binilang nila sa bawat kanilang mga pamilya.
46603, 550 na kalalakihan ang nabilang nila.
47Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi,
48dahil sinabi ni Yahweh kay Moises,
49“Hindi mo dapat bilangin ang tribu ni Levi o isama sila sa kabuuang bilang ng mga tao sa Israel.
50Sa halip, italaga mo ang mga Levita na ingatan ang tabernakulo ng toldang tipanan, at ingatan ang buong kagamitan sa loob ng tabernakulo at sa lahat ng kagamitang naroon. Dapat buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at dapat nilang dalhin ang mga kagamitan sa nito. Dapat nilang ingatan ang tabernakulo at itayo ang kanilang kampo sa paligid nito.
51Kapag ang tabernakulo ay ililipat na sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Kapag ang tabernakulo ay itatayo, dapat itong itayo ng mga Levita. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin.
52Kapag itatayo ng mga tao ng Israel ang kanilang mga tolda, dapat itong gawin ng bawat lalaki malapit sa bandilang nabibilang sa kaniyang armadong grupo.
53Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan.”

Read Mga Bilang 1Mga Bilang 1
Compare Mga Bilang 1:20-53Mga Bilang 1:20-53