Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 1

Mga Bilang 1:16-47

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Ito ang mga lalaking pinili mula sa mga tao. Pinangunahan nila ang mga tribu ng kanilang mga ninuno. Sila ang mga pinuno ng mga angkan sa Israel.
17Ang mga lalaking ito ay kinuha nina Moises at Aaron, na kanilang naitala sa pamamagitan ng pangalan,
18at sa tabi ng mga lalaking ito, tinipon nila ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa unang araw ng ikalawang buwan. At bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas ay kinilala ang kaniyang kanunu-nunuan. Dapat niyang pangalanan ang mga angkan at ang mga pamilyang nagmula sa kaniyang mga ninuno.
19Pagkatapos, itinala ni Moises ang kanilang mga bilang sa ilang ng Sinai, gaya ng inuutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
20Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak ni Israel, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2146, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Ruben.
22Mula sa mga kaapu-apuhan ni Simeon ay binilang nila ang lahat ng pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2359, 300 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Simeon.
24Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gad ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2545, 650 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Gad.
26Mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2774, 600 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Juda.
28Mula sa mga kaapu-apuhan ni Isacar ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
2954, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Isacar.
30Mula sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3157, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Zebulon.
32Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3340, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Efraim.
34Mula sa mga kaapu-apuhan ni Manases ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3532, 200 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Manases.
36Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3735, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Benjamin.
38Mula sa mga kaapu-apuhan ni Dan ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
3962, 700 ang nabilang nila mula sa tribu ni Dan.
40Mula sa mga kaapu-apuhan ni Aser ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
41500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Aser.
42Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
4353, 400 ang nabilang nila mula sa tribu ni Neftali.
44Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito, kasama ang labindalawang kalalakihang namumuno sa labindalawang tribu ng Israel.
45Kaya lahat ng kalalakihan sa Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat nang maaaring makipaglaban sa digmaan ay binilang nila sa bawat kanilang mga pamilya.
46603, 550 na kalalakihan ang nabilang nila.
47Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi,

Read Mga Bilang 1Mga Bilang 1
Compare Mga Bilang 1:16-47Mga Bilang 1:16-47