Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 16

Mga Bilang 16:38-42

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
38Kunin ang mga insensaryo sa mga namatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Gawing minartilyong pingngan ang mga ito bilang isang takip sa ibabaw ng altar. Ang mga lalaking iyon ang naghandog ng mga ito sa harap ko, kaya naihandog sa akin ang mga ito. Magiging isang tanda ang mga ito ng aking presensya sa mga tao ng Israel.”
39Kinuha ni Eleazar na pari ang mga tansong insensaryo na ginamit ng mga lalaking nasunog, at ang mga ito ay minartilyo na maging isang takip para sa altar,
40upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
41Ngunit sa sumunod na umaga ang lahat ng sambayanan ng mga tao ng Israel ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga tao ni Yahweh.”
42At nangyari, nang nagkatipon ang sambayanan laban kina Moises at Aaron, na tumingin sila sa tolda ng pagpupulong at, tingnan mo, tinatakpan ito ng ulap. Nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh,

Read Mga Bilang 16Mga Bilang 16
Compare Mga Bilang 16:38-42Mga Bilang 16:38-42