Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Bilang - Mga Bilang 11

Mga Bilang 11:3-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Pinangalanan ang lugar na iyon na Tabera, sapagkat nagliyab ang apoy ni Yahweh sa kanila.
4Ilang dayuhan ang nagsimulang magkampo kasama ang mga kaapu-apuhan ng Israel. Gusto nilang kumain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos nagsimulang umiyak ang mga tao ng Israel at sinabi, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne na kakainin?
5Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang.
6Ngayon nanghihina kami. Wala kaming makitang makakain kundi manna.”
7Ang manna ay kahalintulad ng buto ng kulantro. Ito ay parang dagta.
8Ang mga tao ay naglalakad sa paligid at tinitipon ito. Ginigiling nila ito sa mga gilingan, binabayo ito sa mga bayuhan, pinakukuluan ito sa mga palayok, at ginagawang keyk. Ang lasa nito ay parang sariwang langis ng olibo.
9Kapag bumaba ang hamog sa kampo sa gabi, bumabagsak din ang manna.
10Narinig ni Moises ang iyakan ng mga tao sa kanilang mga pamilya, at ang bawat lalaki ay naroon sa pasukan sa kaniyang tolda. Labis na nagalit si Yahweh, at sa mga mata ni Moises ang pagrereklamo nila ay mali.
11Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Bakit mo pinakitunguhan ang iyong lingkod ng masama? Bakit hindi ka nasisiyahan sa akin? Ipinapasan mo sa akin ang pasanin ng lahat ng taong ito. Ipinagbuntis ko ba ang lahat ng mga taong ito?
12Ako ba ang nagsilang sa kanila upang sabihin mo sa akin, 'Dalhin mo sila sa iyong kandungan tulad ng pagdadala ng isang ama sa isang sanggol?' Kailangan ko ba silang dalhin sa lupain na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno upang ibigay sa kanila?
13Saan ako makakahanap ng karne na ibibigay ko sa lahat ng taong ito? Umiiyak sila sa aking harapan at sinasabin, 'Bigyan mo kami ng karneng kakainin.'
14Hindi ko na madalang mag-isa ang mga taong ito. Sobra na sila para sa akin.
15Yamang pinakikitunguhan mo ako sa ganitong paraan, patayin mo na ako ngayon, kung mabait ka sa akin, at alisin ang aking paghihirap.”
16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dalhin mo sa akin ang pitumpung nakakatanda ng Israel. Tiyaking sila ang mga nakakatanda at mga opisyal ng mga tao. Dalhin mo sila sa tolda ng pagpupulong upang tumayo roong kasama mo.
17Bababa ako at kakausapin ko kayo roon. Kukunin ko ang ilan sa Espiritu na nasa iyo at ilalagay ko ito sa kanila. Dadalhin nila ang pagpapahirap ng mga tao kasama mo. Hindi mo na dadalhin itong mag-isa.
18Sabihin mo sa mga tao, 'Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas. Tunay na kakakain kayo ng karne, sapagkat umiyak kayo sa pandinig ni Yahweh. Sinabi ninyo, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne upang ating kainin? Naging mabuti ito para sa atin sa Ehipto.” Kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng karne, at kakainin ninyo ito.
19Hindi lamang kayo kakain ng karne sa loob ng isang araw, sa dalawang araw, sa limang araw, sa sampung araw, o sa dalawampung araw,
20ngunit kakain kayo ng karne sa loob ng buong isang buwan hanggang sa ito ay lumabas sa inyong mga ilong. Ito ang magpapadiri sa inyo dahil itinakwil ninyo si Yahweh, na siyang kasama ninyo. Umiyak kayo sa kaniyang harapan. Sinabi ninyo, “Bakit pa natin iniwan ang Ehipto?''''''

Read Mga Bilang 11Mga Bilang 11
Compare Mga Bilang 11:3-20Mga Bilang 11:3-20