Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 1

Lucas 1:33-43

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
33Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.”
34Sinabi ni Maria sa anghel, “Paano mangyayari ito, yamang hindi pa naman ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki?”
35Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
36At tingnan mo, ang iyong kamag-anak na si Elisabet ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito na ang kaniyang ikaanim na buwan, siya na tinawag na baog.
37Sapagkat walang hindi kayang gawin ang Diyos.”
38Sinabi ni Maria, “Tingnan mo, ako ay babaeng lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ayon sa iyong mensahe.” At iniwan na siya ng anghel.
39Pagkatapos, si Maria ay gumayak noong mga araw na iyon at nagmadaling pumunta sa maburol na bahagi ng lupain, sa isang lungsod sa Judea.
40Siya ay pumunta sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet.
41At nangyari nga nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, lumukso ang bata sa kaniyang sinapupunan at si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu.
42Ang kaniyang tinig ay tumaas at nagsabi nang malakas, “Pinagpala ka sa lahat ng mga babae at Pinagpala din ang bunga ng iyong sinapupunan.
43At bakit ito nangyari sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay kailangan pang pumunta sa akin?

Read Lucas 1Lucas 1
Compare Lucas 1:33-43Lucas 1:33-43