Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 26

Levitico 26:33-43

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
33Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
34Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito.
35Hangga't nananatili itong pinabayaan, maangkin nito ang pamamahinga, pamamahinga na hindi nito naangkin sa inyong mga Araw ng Pamamahinga, noong nanirahan kayo sa lupaing iyon.
36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
37Madadaganan ninyo ang isa't isa na parang tinatakbuhan ninyo ang espada, kahit na wala namang humahabol sa inyo. Hindi kayo magkakaroon ng kapangyarihan na tumayo sa harap ng inyong mga kaaway.
38Maglalaho kayo sa mga nabibilang na mga bansa, at ang lupain mismo ng inyong mga kaaway ang lalamon sa inyo.
39'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
41na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
42ay isasaisip ko ang aking kasunduan kay Jacob, aking kasunduan kay Isaac, at ang aking kasunduan kay Abraham; gayun din, na isasaisip ko ang lupain.
43Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas.

Read Levitico 26Levitico 26
Compare Levitico 26:33-43Levitico 26:33-43