Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 25

Levitico 25:29-36

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Kung ang isang tao ay magbebenta ng isang bahay sa isang pinaderang siyudad, sa gayon maaari niya itong bilhin muli sa loob ng isang buong taon matapos na ipagbili ito. Sa loob na isang buong taon magkakaroon siya ng karapatan ng pagtubos.
30Kung hindi matubos ang bahay sa loob ng isang buong taon, sa gayon ang bahay na nasa pinaderang siyudad ay magiging permanenteng ari-arian ng taong bumili nito, sa kabuuan ng mga salinhlahi ng kanyang mga kaapu-apuhan. Hindi na ibabalik ang bahay na iyon sa Paglaya.
31Subalit ang mga bahay sa mga bayan na walang pader sa palibot ng mga iyon ay magiging ari-ariang may kaugnayan sa mga bukirin ng bansa. Maaaring bilhin muli ang mga iyon, at dapat ibalik ang mga iyon sa panahon ng paglaya.
32Gayunman, ang mga bahay na pagmamay-ari ng mga Levita sa kanilang mga siyudad ay maaaring tubusin sa anumang oras.
33Kung hindi tutubusin ng isa sa mga Levita ang bahay na ipinagbili niya, sa gayon dapat ibalik ang bahay na ipinagbili sa siyudad kung saan ito naroon sa Paglaya, dahil ang mga bahay sa mga siyudad ng mga Levita ay ari-arian nila sa gitna ng mga tao ng Israel.
34Subalit hindi maaring ipagbili ang mga bukid sa palibot ng kanilang mga siyudad dahil ang mga iyon ay permanenteng ari-arian ng mga Levita.
35Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
36Huwag siyang singilin ng tubo o subukang kumita mula sa kanya sa anumang paraan, ngunit parangalan ang inyong Diyos upang ang kapatid ninyo ay makapanatiling namumuhay kasama ninyo.

Read Levitico 25Levitico 25
Compare Levitico 25:29-36Levitico 25:29-36