Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 25

Levitico 25:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Nakipag-usap si Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai, na sinasabing,
2“Makipag-usap ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, sa gayon dapat na magpatupad ang lupain ng isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh.
3Dapat ninyong taniman ang inyong bukid sa loob ng anim na taon, at sa loob ng anim na taon dapat ninyong putulan ang ubasan at tipunin ang mga bunga.
4Subalit sa ikapitong taon, isang Araw ng Pamamahinga ng taimtim na pahinga para sa lupa ang dapat ipatupad, isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh. Hindi ninyo dapat taniman ang inyong bukid o putulan ang inyong ubasan.
5Hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang tumutubong mag-isa, at hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang ubas na tumutubo sa mga hindi pinutulang baging ninyo. Ito ay magiging isang taon ng taimtim na pahinga para sa lupa.
6Anuman ang tumubo sa hindi sinakang lupa sa panahon ng taon ng Araw ng Pamamahinga ay magiging pagkain para sa inyo. Kayo, ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod, ang inyong mga upahang lingkod at ang mga dayuhang naninirahan kasama ninyo ay maaaring magtipon ng pagkain.
7At ang inyong mga alagang hayop at saka mga mababangis na hayop ay maaaring kainin anuman ang tumubo sa lupa.
8Dapat kayong bumilang ng pitong taon ng mga Araw ng Pamamahinga, iyon ay, pitong ulit na pitong taon, upang magkaroon ng pitong mga Araw ng Pamamahingang taon, na binubuo ng apatnapu't siyam na taon.
9Pagkatapos dapat kayong umihip ng maingay na trumpeta sa lahat ng dako sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. Sa Araw ng Pagbabayad ng Kasalanan dapat kayong umihip ng isang trumpeta sa kabuuan ng lahat ng inyong lupain.

Read Levitico 25Levitico 25
Compare Levitico 25:1-9Levitico 25:1-9