Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 21

Levitico 21:14-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
15Dapat niyang sundin ang mga patakarang ito, upang hindi niya madungisan ang kaniyang mga anak sa kaniyang lahi, sapagkat Ako si Yahweh, na naghandog sa kaniya para sa aking sarili.'''
16Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
17“sabihin kay Aaron at sabihin niya, 'Sinuman sa iyong mga kaapu-apuhan hanggang sa buong salinlahi nila ang may kapansanan sa katawan, hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
18Hindi dapat lumapit kay Yahweh ang sinumang taong may kapansanan sa katawan, gaya ng isang taong bulag, isang taong pilay, isa na ang anyo ay nasira o pumangit,
19isang taong pilay ang kamay o paa,
20kuba o taong unano, o isang taong may kapansanan sa kanyang mga mata, o may isang sakit, pamamaga, galis, o napinsala ang mga pribadong bahagi.
21Walang tao sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari na may kapansanan ang katawan na maaaring lumapit upang magsagawa ng mga paghahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ang isang taong iyon ay may kapansanan sa katawan; hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
22Maaari niyang kainin ang pagkain ng kanyang Diyos, maging ang ilan sa mga kabanalbanalan o ilan sa banal.
23Gayunman, hindi siya dapat pumasok sa loob ng kurtina o lumapit sa altar, dahil siya ay may kapansanan sa katawan, upang hindi niya madungisan ang aking banal na lugar, dahil ako si Yahweh, ang siyang naghandog sa kanila para sa aking sarili.'''
24Kaya sinabi ni Moises ang mga salitang ito kay Aaron, sa kanyang mga anak na lalaki, at sa lahat ng mga tao ng Israel.

Read Levitico 21Levitico 21
Compare Levitico 21:14-24Levitico 21:14-24