39At babalik ang saserdote sa ikapitong araw, at titingnan: at, narito, kung makita ngang kumalat ang salot sa mga panig ng bahay;
40Ay ipaguutos nga ng saserdote na bunutin ang mga batong kinaroonan ng tila salot at ipatatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal:
41At ipakakayas ang palibot ng loob ng bahay, at ang argamasang inalis na kinayas ay itatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal:
42At magsisikuha ng ibang mga bato, at ihahalili sa mga batong yaon, at magsisikuha ng ibang argamasa at siyang ihahaplos sa mga panig ng bahay.
43At kung muling bumalik ang tila salot, at sumibol sa bahay, pagkatapos na mabunot ang mga bato; at pagkatapos makayas ang bahay, at pagkatapos na mahaplusan ng argamasa;
44Ay papasok nga ang saserdote at titingnan, at, narito, kung makita ngang ang salot ay kumalat sa bahay ay ketong na nakakahawa sa bahay; ito'y karumaldumal.
45At gigibain niya ang bahay na yaon, ang mga bato at ang mga kahoy, at ang lahat ng argamasa ng bahay; ay dadalhin sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal.
46Bukod dito'y ang pumasok sa bahay na yaon ng buong panahong nasasara ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.