Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 13

Levitico 13:4-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Kung ang maliwanag na batik sa kanyang balat ay puti, at ang itsura nito ay hindi mas malalim kaysa balat, at kung ang buhok sa bahaging may sakit ay hindi maging puti, kung gayon kailangang ilayo ng pari ang may sakit sa loob ng pitong araw.
5Sa ikapitong araw, kailangan siyang suriin ng pari upang makita kung sa palagay niya ay hindi malala ang sakit, at kung ito ay hindi kumalat sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon kailangan siyang ilayo ng pari ng karagdagang pitong araw.
6Susuriin ulit siya ng pari sa ikapitong araw upang makita kung ang karamdaman ay mas bumuti at hindi kumalat ng mas malawak sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon sasabihin ng pari na siya ay malinis. Ito ay isang pantal. Kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, at pagkatapos siya ay malinis na.
7Pero kung ang pantal ay kumalat sa balat pagkatapos niyang ipakita ang kanyang sarili sa pari para sa kanyang paglilinis, kailangan niya muling ipakita ang kanyang sarili sa pari.
8Susuriin siya ng pari para makita kung ang pantal ay kumalat ng mas malawak sa balat. Kung kumalat ito, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
9Kapag ang nakakahawang sakit sa balat ay nasa sinuman, kung gayon ay kailangan siyang dalhin sa pari.
10Susuriin siya ng pari upang makita kung may puting pamamaga sa balat, kung ang buhok ay naging puti, o kung may hilaw na laman sa pamamaga.
11Kung naroon iyon, sa gayon ito ay isang malubhang sakit sa balat, at dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Hindi na siya ihihiwalay, dahil siya ay marumi na.
12Kung ang sakit ay malawak na ang pagkalat sa balat at natatakpan na ang buong balat ng taong may sakit mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa, hangga't nakikita iyon ng pari,
13kung gayon kailangang suriin siya ng pari upang makita kung ang sakit ay bumalot sa buo niyang katawan. Kapag mayroon nito, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na ang taong may sakit ay malinis. Kung lahat ng ito ay naging puti, kung gayon ay malinis siya.
14Ngunit kung hilaw na laman ang makita sa kanya, siya ay magiging marumi.
15Dapat tingnan ng pari ang hilaw na laman at ipahayag siyang marumi dahil ang hilaw na laman ay marumi. Iyon ay isang nakakahawang sakit.
16Ngunit kung ang hilaw na laman ay maging puti muli, kung gayon ay dapat pumunta ang tao sa pari.
17Susuriin siya ng pari para makita kung ang laman ay naging puti. Kung nagkagayon ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay malinis.
18Kung ang tao ay may pigsa sa balat at gumaling ito,
19at sa bahagi ng pigsa ay mayroong puting pamamaga o isang malinaw na batik, namumulang-puti, kung gayon ay kailangan itong ipakita sa pari.
20Susuriin ito ng pari upang makita kung ito ay mas malalim sa balat, at kung ang buhok doon ay naging puti. Kung gayon, dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit, kapag ito ay namuo sa bahagi kung nasaan ang pigsa.
21Ngunit kung sinuri ng pari ito at makita na walang puting buhok dito, at iyon ay wala sa ilalim ng balat kundi kumupas na, sa ganun kailangang ihiwalay siya ng pari sa loob ng pitong araw.
22Kapag kumalat iyon sa balat, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
23Ngunit kapag nanatili ang malinaw na batik sa bahagi nito at hindi kumalat, kung gayon ito ay peklat ng pigsa, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis.
24Kapag ang balat ay may paso at ang hilaw na laman ng paso ay maging isang namumulang-puti o puting batik,
25kung ganun susuriin ito ng pari para makita kung ang buhok sa batik na iyon ay naging puti, at kung ito ay nagpapakitang mas malalim kaysa sa balat. Kapag mayroon nito, sa ganun iyon ay nakakahawang sakit. Kumalat na ito palabas sa paso, at dapat ipahayag siya ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
26Ngunit kung susuriin iyon ng pari at makitang walang puting buhok sa batik, at iyon ay wala sa ilalim ng balat ngunit kumupas, kung gayon ay dapat siyang ihiwalay ng pari sa loob ng pitong araw.
27Pagkatapos ay dapat siyang suriin ng pari sa ikapitong araw. Kung iyon ay kumalat ng malawak sa balat, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na siya na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.

Read Levitico 13Levitico 13
Compare Levitico 13:4-27Levitico 13:4-27