Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 11

Levitico 11:41-45

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
41Ang bawat hayop na gumagapang sa lupa ay kasuklaman ninyo, hindi ito dapat kainin.
42Anumang gumagapang gamit ang kanilang tiyan at anumang lumalakad gamit ang kanilang apat na paa o anumang may maraming paa—ang lahat ng mga hayop na gumagapang sa lupa, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, dahil sila ay kinasusuklaman.
43Hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili sa anumang nabubuhay na mga nilalang na gumapang; hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili dahil sa kanila, na dapat kayong gawing marumi sa pamamagitan nila.
44Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos. Samakatuwid ialay ang inyong sarili sa akin at magpakabanal dahil ako ay banal. Hindi ninyo dapat dungisan ang inyong sarili sa anumang uri ng hayop na gumagalaw sa lupa.
45Dahil ako si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, para maging inyong Diyos. Samakatuwid dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.

Read Levitico 11Levitico 11
Compare Levitico 11:41-45Levitico 11:41-45