28Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?”
29Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
30Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
31Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, “Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin.”
32Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.
33Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
34Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.”
35Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.