Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 5

JUAN 5:13-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Subalit, hindi kilala ng pinagaling kung sino siya sapagkat si Jesus ay palihim na umalis papalayo, dahil maraming ng tao sa lugar.
14Pagkatapos, natagpuan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, ikaw ay gumaling na! Huwag ka nang magkasala pa, baka may malala pang mangyari sa iyo.”
15Ang lalaki ay umalis papalayo at pinagbigay-alam sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya.
16Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.
17Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa.
18Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
19Sinagot sila ni Jesus, “Tunay nga, walang magagawa ang Anak sa kaniyang sarili lamang, maliban lamang sa anong nakikita niya na ginagawa ng Ama, sapagkat anuman ang ginagawa ng Ama, ang mga bagay na ito ay ginagawa din ng Anak.

Read JUAN 5JUAN 5
Compare JUAN 5:13-19JUAN 5:13-19