Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 21

Joshua 21:26-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
26May sampung lungsod lahat para sa mga natirang mga angkan ng Kohatita, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
27Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
28Sa mga angkan ng Gerson ibinigay din nila ang Kision mula sa lipi ni Isacar, kasama ang mga lupang pastulan nito, Daberet kasama ang mga lupang pastulan nito,
29Jarmut kasama ang mga lupang pastulan nito, at ang Engannim kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
30Mula sa lipi ni Aser, ibinigay nila ang Misal kasama ang mga lupang pastulan nito, Abdon kasama ang mga lupang pastulan nito,
31Helkat kasama ang mga lupang pastulan nito, at Rehob kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
32Mula sa lipi ni Neftali, ibinigay nila sa mga angkan ng Gerson ang Kedes sa Galilea kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya; Hammotdor kasama ang mga lupang pastulan nito, at Kartan kasama ang mga lupang pastulan nito—tatlong lungsod lahat.
33Mayroong labintatlong lungsod lahat, mula sa mga angkan ng Gerson, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
34Sa natirang mga Levita— ang mga angkan ni Merari—ay ibinigay mula sa lipi ni Zebulon: Jokneam kasama ang mga lupang pastulan nito, Karta kasama ang mga lupang pastulan nito,

Read Joshua 21Joshua 21
Compare Joshua 21:26-34Joshua 21:26-34