16Lumakad ka at sama-samang tipunin ang mga nakatatanda ng Israel. Sabihin sa kanila, 'si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabi, “Tunay ngang napagmasdan ko kayo at nakita ang ginawa sa inyo sa Ehipto.
17Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.