7Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara.
8Kapag sisindihan ni Aaron ang mga lampara muli sa gabi, dapat siyang magsunog ng insenso sa altar ng insenso. Dapat itong maging isang palagiang pagsusunog ng insenso sa harap ko, si Yahweh, sa buong salinlahi ng inyong bayan.
9Pero kayo ay mag-aalay ng walang ibang insenso sa altar ng insenso, o anumang pagsusunog ng alay o handog na pagkaing butil. Dapat mong buhusan ng walang inuming handog dito.
10Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh.”
11Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing,
12“Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila.
13Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh.
14Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin.