6Pinagbuksan ko ng pintuan ang aking minamahal, pero ang aking minamahal ay umalis at wala na. Ang puso ko ay nalugmok; Nawalan ako ng pag-asa. Hinanap ko siya, pero hindi ko siya natagpuan; Tinawag ko siya, pero hindi niya ako sinagot.
7Natagpuan ako ng mga bantay na nagpunta malapit sa lungsod; hinagupit at sinugatan nila ako; kinuha mula sa akin ng mga nagbabatay ng pader ang aking balabal. Ang dalaga ay nakikipag-usap sa mga kababaihan ng lungsod
8Nais ko kayong mangako, mga anak na babae ng Jerusalem, na kung makikita ninyo ang aking minamahal, sabihin ninyo sa kaniya ako ay may sakit dahil sa aking pag-ibig sa kaniya. Ang mga kababaihan ng lungsod ay nagsasalita sa dalaga.
9Paanong mas mabuti ang iyong minamahal kaysa sa ibang lalaking minamahal, ikaw na maganda sa lahat ng mga babae? Bakit mas higit ang iyong minamahal kaysa sa ibang minamahal, na hiniling mo sa amin para manumpa tulad nito? Ang dalaga ay nagsasalita sa mga kababaihan ng lungsod
10Ang aking minamahal ay nagniningning at mamula-mula, namumukod tangi sa kalagitnaan ng sampung libo.
11Ang kaniyang ulo ay ang pinakadalisay na ginto; kulot ang kaniyang buhok at kasing itim ng isang uwak.