Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 2

Awit ni Solomon 2:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki.
2Gaya ng isang liryo sa mga tinik, gayon ka rin, aking mahal, sa mga dalaga ng aking mga kababayan. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
3Gaya ng puno ng aprikot sa mga puno ng kagubatan, gayon din ang aking minamahal sa gitna ng mga kabinataan. Umuupo ako sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
4Dinala niya ako sa bulwagan ng salu-salo, ang kaniyang bandila sa akin ay pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang mangingibig ang babae.
5Muli akong palakasin sa pamamagitan ng keyk na pasas at pasiglahin muli sa pamamagitan ng mga aprikot, dahil ako ay mahina sa pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
6Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay niyayakap ako. Nagsasalita sa ibang mga kababaihan ang babae.

Read Awit ni Solomon 2Awit ni Solomon 2
Compare Awit ni Solomon 2:1-6Awit ni Solomon 2:1-6