Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 6

Ang Mangangaral 6:1-4

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Mayroon akong nakitang masama sa ilalim ng araw, at ito ay malubha para sa mga tao.
2Maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganaan at karangalan sa isang tao upang hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, ngunit pagkatapos, hindi ibibigay ng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga kagamitan. Ito ay parang singaw, isang masamang kalungkutan.
3Kung ang isang lalaki ay maging ama ng isang daang anak at mabuhay ng maraming taon, sa gayon ang mga araw ng kaniyang mga taon ay marami, ngunit kung hindi nasiyahan ang kaniyang puso sa kabutihan at siya ay hindi inilibing nang may karangalan, kaya aking sasabihin na ang isang sanggol na patay ipinanganak ay mas mabuti pa kaysa sa kaniya.
4Kahit pa ang isang sanggol ay isinilang nang walang kabuluhan at mamamatay sa kadiliman at ang kaniyang pangalan ay mananatiling lihim.

Read Ang Mangangaral 6Ang Mangangaral 6
Compare Ang Mangangaral 6:1-4Ang Mangangaral 6:1-4