Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 3

Ang Mangangaral 3:13-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
14Alam ko na anuman ang ginawa ng Diyos ay magtatagal magpakailanman. Walang maaaring maidagdag pa o maalis, dahil ang Diyos ang siyang gumawa dito upang lumapit ang mga tao sa kaniya nang may karangalan.
15Anuman ang nangyayari ay nangyari na; anuman ang mangyayari pa ay nangyari na. Hinahayaan ng Diyos na hanapin ng tao ang mga nakatagong bagay.
16At nakita ko sa ilalim ng araw na kasamaan ang nangyayari kung saan dapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran, kasamaan ay madalas matagpuan.
17Sinabi ko sa aking puso, “Hahatulan ng Diyos ang matuwid at ang masama sa tamang panahon sa bawat bagay at sa bawat ginawa.

Read Ang Mangangaral 3Ang Mangangaral 3
Compare Ang Mangangaral 3:13-17Ang Mangangaral 3:13-17