10Anuman ang hangarin ng aking mga mata, hindi ako nagpipigil sa kanila. Hindi ko pinipigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, dahil ang puso ko ay natuwa sa lahat ng pinaghihirapan ko, at ang kasiyahan ay ang aking gantimpala sa lahat ng aking gawain.
11Pagkatapos minasdan ko ang lahat ng mga gawain na tinapos gawin ng aking mga kamay, at sa pinagsikapang gawin, ngunit muli, ang lahat ng bagay ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin. Wala itong pakinabang sa ilalim ng araw.
12Pagkatapos bumaling ako para pagtuunan ang karunungan, gayundin ang kabaliwan at kahangalan. Para ano ang maaaring gawin ng susunod na hari, na hindi pa rin nagagawa?
13Pagkatapos nagsimula kong maunawaan na ang karunungan ay mayroong kalamangan sa kamangmangan, gaya ng liwanag na mas mabuti kaysa kadiliman.
14Ang matalinong tao ay ginagamit ang kaniyang mga mata sa kaniyang ulo para makita ang kaniyang patutunguhan, pero ang mangmang ay naglalakad sa kadiliman, kahit na alam kong iisang kapalaran ang nakalaan sa lahat.