8Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man makapagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnig nito.
9Anuman ang nangyari ay siya rin ang mangyayari, at anuman ang nagawa ay siyang magagawa. Walang bago sa ilalim ng araw.
10Mayroon bang anumang bagay na maaaring masabi, 'Masdan mo, ito ay bago'? Anuman ang nangyayari ay nangyari na sa matagal na panahon, noong mga panahong nauna pa sa atin.
11Tila wala ni isa man ang nakakaalala sa mga bagay na naganap sa sinaunang panahon. At ang mga bagay na nangyari sa nauna pang panahon at ang mangyayari sa hinaharap ay malamang na hindi rin maaalala.”
12Ako ang Mangangaral, at ako ay naging hari ng buong Israel sa Jerusalem.
13Inilaan ko ang aking pag-iisip sa pag-aaral at pagsisiyasat gamit ang karunungan sa lahat ng ginawa sa ilalim ng kalangitan. Ang pagsisiyasat na iyon ay isang mabigat na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao upang pagka-abalahan.