Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 10

Ang Mangangaral 10:5-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5May nakita akong kasamaan sa ilalim ng araw, isang uri ng pagkakamali na nanggagaling sa isang pinuno:
6Ang mga mangmang ay binibigyan ng posisyon sa pagkapinuno, habang ang mga taong matagumpay ay binibigyan ng mababang posisyon.
7Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ang mga taong matagumpay ay naglalakad na parang mga alipin sa lupa.
8Sinuman ang nagbubungkal ng hukay ay maaaring mahulog dito, at kapag mayroong sumisira sa pader, maaari siyang kagatin ng ahas.
9Sinuman ang nagtatapyas ng bato ay masasaktan nito, at ang taong nagpuputol ng kahoy ay nanganganib dito.
10Kung ang talim ng bakal ay mapurol, at hindi ito hinahasa ng isang tao, kailangan niyang gumamit nang mas maraming lakas, ngunit nagbibigay ng kalamangan ang karunungan para sa katagumpayan.
11Kung ang ahas ay nanuklaw bago pa ito mapaamo, walang kalamangan para sa nang-aamo.
12Magiliw ang mga salita ng bibig ng matalinong tao, ngunit nilululon ang mangmang ng kaniyang sariling mga labi.
13Sa pag-agos ng mga salita mula sa bibig ng mangmang, ang kamangmangan ay lumalabas, at sa huli umaagos sa bibig niya ang masamang kahibangan.
14Pinaparami ng mangmang ang mga salita, ngunit walang nakakaalam kung ano ang paparating. Sino ang nakaaalam kung ano ang parating pagkatapos niya?
15Pinapagod ng mga mabibigat na gawain ang mga mangmang, kaya hindi man lang nila alam ang daan papuntang bayan.
16Mayroong gulo sa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at ang mga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga!
17Ngunit masaya ang lupain kapag ang hari ay anak ng mga maharlika, at kumakain ang mga pinuno ninyo kapag oras na ng kainan at ginagawa nila iyon para lumakas, hindi para sa paglalasing!
18Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong, at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.
19Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa, nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay.

Read Ang Mangangaral 10Ang Mangangaral 10
Compare Ang Mangangaral 10:5-19Ang Mangangaral 10:5-19