16Mayroong gulo sa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at ang mga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga!
17Ngunit masaya ang lupain kapag ang hari ay anak ng mga maharlika, at kumakain ang mga pinuno ninyo kapag oras na ng kainan at ginagawa nila iyon para lumakas, hindi para sa paglalasing!
18Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong, at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.
19Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa, nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay.