3Pagkatapos tinalo ni David si Hadadezer lalaking anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang naglalakbay para bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog ng Eufrates.
4Binihag ni David mula sa kaniya ang 1, 700 karwahe at 20, 000 kalalakihang naglalakad. Pinilay lahat ni David ang mga kabayo ng karwaheng pandigma, pero naglaan siya ng isandaang karwahe na sapat para sa kanila.
5Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong kalalakihan ng Arameo.
6Pagkatapos inilagay ni David ang mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga lingkod niya ang mga Arameo at siya ay kinilala. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya magtungo.
7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na nasa mga lingkod ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
8Kinuha ni Haring David ang napakaraming tanso, mula sa Betaat Berotai, mga lungsod ni Hadadezer.
9Nang narinig ni Toi, hari ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,