Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 20

1 Mga Hari 20:28-40

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
28Pagkatapos isang lingkod ng Diyos ang lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at sinabi, “Sinasabi ni Yahweh: 'Dahil sinabi ng mga Aramean na si Yahweh ay diyos ng mga burol, pero hindi siya ang diyos sa mga lambak, ilalagay ko sa iyong kamay ang malakas na hukbong ito, at inyong malalaman na ako si Yahweh.”'
29Kaya ang mga hukbo ay nagkampo ng magkatapat ng pitong araw. Pagkatapos sa ikapitong araw ay sinimulan ang labanan. Ang bayan ng Israel ay pumatay ng isang daang libong hukbo ng Aramea sa loob ng isang araw.
30Ang natira ay tumakas sa Aphek, sa loob ng lungsod, at nabagsakan ng pader ang dalawangput pitong libong sundalo na natira. At tumakas si Ben Hadad at nagpunta sa loob ng lungsod, sa loob ng isang silid.
31Sinabi ng mga lingkod kay Ben Hadad, “Tingnan mo ngayon, narinig namin na ang mga hari ng sambahayan ng Israel ay maawaing mga hari. Pakiusap hayaan ninyo kaming maglagay ng sako sa aming mga baywang at lubid sa aming mga ulo at pumunta sa hari ng Israel. Marahil maari ka pa niyang buhayin.
32Kaya naglagay sila ng sako sa kanilang baywang at lubid sa kanilang mga ulo at pagkatapos pumunta sila sa hari ng Israel at sinabi, “Sinabi ng iyong lingkod na si Ben Hadad, 'Pakiusap hayaan mo akong mabuhay.”' Sinabi ni Ahab, “Siya ba ay buhay pa? Siya ay aking kapatid.”
33Ngayon ang mga lalaki ay nakikinig sa anumang palatandaan mula kay Ahab, kaya sila ay mabilis na sumagot sa kaniya, “Oo, ang iyong kapatid na si Ben Hadad ay buhay pa.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Umalis ka at dalhin siya.” Pagkatapos si Ben Hadad pumunta sa kaniya, at pinasakay siya ni Ahab sa kaniyang karwahe.
34Sinabi ni Ben Hadad kay Ahab, “Aking ibabalik sa iyo ang lungsod na kinuha ng aking ama mula sa iyong ama, at ikaw ay maaring gagawa para sa iyong sarili ng mga pamilihan sa Damasco, gaya ng ginagawa ng aking ama sa Samaria.” Sumagot si Ahab, “Hahayan kitang lumaya dahil sa kasunduang ito.” Kaya gumawa ng kasunduan si Ahab sa kaniya at hinayaan siyang umalis.
35May isang lalaki, isa sa mga anak ng propeta, sinabi sa kaniyang kapwa propeta sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, “Pakiusap saktan mo ako.” Pero ang lalaki ay tumangging saktan siya.
36Pagkatapos sinabi ng propeta sa kaniyang kapwa propeta, “Dahil hindi mo sinunod ang tinig ni Yahweh, sa sandaling iwanan mo ako, isang leon ang papatay sa iyo.” At sandaling iniwan siya ng lalaking iyon, isang leon ang nakatagpo sa kaniya at pinatay siya.
37Pagkatapos nakatagpo ang propeta ng isa pang lalaki at sinabi, “Pakiusap saktan mo ako.” Kaya sinaktan siya ng lalaki at sinugatan siya.
38Pagkatapos ang propeta ay umalis at hinintay ang hari sa daan; siya ay nagpanggap na may isang benda sa kaniyang mga mata.
39At nang dumaan ang hari, sinigawan ng propeta ang hari at sinabi, “Ang iyong lingkod ay nagmula sa kainitan ng labanan, at isang sundalo ang huminto at nagdala ng isang kalaban sa akin at sinabi, 'Bantayan mo ang taong ito. Kung sa anumang paraan ay makatakas siya, sa gayon ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, kung hindi magbabayad ka ng isang talentong pilak.'
40Pero dahil ang iyong lingkod ay abala parito at paroon, ang iyong kalabang sundalo ay nakatakas.” Pagkatapos sinabi ng hari ng Israel sa kaniya, ito ang iyong magiging kaparusahan - ikaw mismo ang nagtakda nito.

Read 1 Mga Hari 201 Mga Hari 20
Compare 1 Mga Hari 20:28-401 Mga Hari 20:28-40