13Gumawa siya ng mga makapangyarihang himala, kahit pabagsakin ang apoy sa lupa mula sa langit sa harap ng mga tao,
14at sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulutan siyang gawin, kaniyang nilinlang ang mga naninirahan sa lupa, sinasabihan niya sila na gumawa ng larawan sa karalangan ng halimaw na nasugatan sa pamamagitan ng espada, pero buhay pa rin siya.
15Pinahintulutan siya na bigyan ng hininga ang imahe ng halimaw kaya ang imahe ay nakapagsalita at papatayin ang dumudulot sa lahat na tumanggi para sambahin ang halimaw para patayin.
16Pinilit din niya ang lahat, hindi mahalaga at malakas, mayaman at mahirap, malaya at alipin, para tumanggap ng tatak sa kanang kamay o sa noo.
17Hindi maaring bumili o pagbilhan ang kahit sino maliban na lamang kung siya ay may tatak ng halimaw, iyon ayn, ang bilang na kumakatawan sa kaniyang pangalan.
18Ito ay tumatawag para sa karunungan. Kung sino ang may kabatiran, hayaan siyang bilangin ang bilang ng halimaw. Dahil ito ang bilang ng isang tao. Ang kaniyang bilang ay 666.