4 Sabihin sa karunungan, “Ikaw ang aking kapatid na babae,” at tawagin ang kaunawaan na inyong kamag-anak,
5 upang ikaw ay ilayo mula sa mapanuksong babae, mula sa babaeng mapangalunya kasama ng kaniyang mapang-akit na mga salita.
6 Sa bintana ng aking bahay ay tumitingin ako sa pamamagitan ng dungawan
7 at aking nakita ang karamihan ng batang lalaki na hindi pa natuturuan. Nakita ko sa karamihan ng kabataan ang isang batang lalaking na wala sa kaisipan.
8 Ang batang lalaking iyon ay naglalakad sa kalye malapit sa sulok ng kaniyang kalye at siya ay tumuloy patungo sa kaniyang bahay—
9 iyon ay takip-silim, sa gabi ng araw na iyon, sa oras ng gabi at kadiliman.
10 At doon kinatagpo siya ng isang babae, nakadamit tulad ng isang bayarang babae at alam niya kung bakit siya naroon.
11 Siya ay maingay at magulo, ang kaniyang mga paa ay hindi mapanatili sa tahanan—
12 ngayon nasa mga kalye, ngayon nasa pamilihan, at bawat sulok siya ay nag-aabang.
13 Kaya siya ay hinawakan niya at pinaghahalikan, na may katapangang mukha, sinabi niya sa kaniya,
14 natupad ko ang handog ng kapayapaan ngayon, naibigay ko ang aking mga panata,