Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 7:13-19 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 7:13-19 in Ang Dating Biblia (1905)

13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
17 At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.
18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:
Mga Kawikaan 7 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 7:13-19 in Banal na Bibliya

13 Kaya siya ay hinawakan niya at pinaghahalikan, na may katapangang mukha, sinabi niya sa kaniya,
14 natupad ko ang handog ng kapayapaan ngayon, naibigay ko ang aking mga panata,
15 kaya lumabas ako para makita ka, kinasasabikan ko na makita ang iyong mukha, at ikaw ay aking natagpuan.
16 Inilatag ko ang mga panakip sa aking higaan, mga linong makukulay mula sa Egipto.
17 Pinabanguhan ko ang aking higaan ng mira, mga aloe, at kanela.
18 Halina't, hayaang umapaw ang ating pagmamahalan hanggang umaga; hayaan nating makakuha tayo ng labis na ligaya sa iba't ibang gawi ng pagtatalik.
19 Ang aking asawa ay wala sa bahay; siya ay nasa malayo sa isang matagal na paglalakbay.
Mga Kawikaan 7 in Banal na Bibliya