Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Kawikaan 5:2-12 in Tagalog

Help us?

Mga Kawikaan 5:2-12 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman.
3 Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
4 Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.
5 Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;
6 Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.
7 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
8 Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
9 Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12 At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:
Mga Kawikaan 5 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Kawikaan 5:2-12 in Banal na Bibliya

2 upang ikaw ay matuto tungkol sa mabuting pagpapasya, at ang iyong mga labi ay maaaring pangalagaan ang kaalaman.
3 Sapagkat ang labi ng isang nangangalunyang babae ay dinadaluyan ng pulot, at ang kaniyang bibig ay mas madulas kaysa sa langis,
4 pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada.
5 Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol.
6 Hindi niya binibigyang pansin ang landas ng buhay. Ang kaniyang mga yapak ay gumagala; hindi niya alam kung saan siya patungo.
7 At ngayon, aking mga anak, makinig sa akin; huwag tumalikod mula sa pakikinig sa mga salita ng aking bibig.
8 Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay.
9 Sa ganoong paraan hindi ninyo ipamimigay ang inyong karangalan sa iba o ang mga taon ng inyong buhay sa isang malupit na tao;
10 ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala.
11 Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok.
12 Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama!
Mga Kawikaan 5 in Banal na Bibliya