Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 5

Mga Kawikaan 5:2-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2upang ikaw ay matuto tungkol sa mabuting pagpapasya, at ang iyong mga labi ay maaaring pangalagaan ang kaalaman.
3Sapagkat ang labi ng isang nangangalunyang babae ay dinadaluyan ng pulot, at ang kaniyang bibig ay mas madulas kaysa sa langis,
4pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada.
5Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol.
6Hindi niya binibigyang pansin ang landas ng buhay. Ang kaniyang mga yapak ay gumagala; hindi niya alam kung saan siya patungo.
7At ngayon, aking mga anak, makinig sa akin; huwag tumalikod mula sa pakikinig sa mga salita ng aking bibig.
8Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay.
9Sa ganoong paraan hindi ninyo ipamimigay ang inyong karangalan sa iba o ang mga taon ng inyong buhay sa isang malupit na tao;
10ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala.
11Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok.
12Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama!

Read Mga Kawikaan 5Mga Kawikaan 5
Compare Mga Kawikaan 5:2-12Mga Kawikaan 5:2-12