12Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap.
13Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala.
14Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan, mabibilang na sumpa sa kaniya.
15Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
16Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.
17Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.
18Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin.
19Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, gayon ang puso ng tao sa tao.
20Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man.
21Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
22Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo, gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya.
23Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
24Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?