9Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay.
10Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo.
11Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
12Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo.
13Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
14Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
15Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom.
16Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay.
17Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
18Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
19Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
20Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas.
21May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.
22Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling.
23Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan.
24Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli.
25Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan: at iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.