Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 4

Mga Hukom 4:20-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
20Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka sa bungad ng tolda at kung may dumating at magtanong sa iyo, 'May tao ba riyan?' sabihing, 'Wala'.”
21Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay.
22Habang hinahabol ni Barak si Sisera, lumabas si Jael para salubungin siya at sinabi sa kaniya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo.” Kaya sumama siya sa kaniya, at naroon nakabulagtang patay si Sisera, na ang pakong kahoy ng tolda ay nasa tagiliran ng kaniyang ulo.
23Kaya sa araw na iyon tinalo ng Diyos si Jabin, ang hari ng Canaan, sa harapan ng mga tao ng Israel.
24Ang lakas ng mga tao ng Israel ay tumindi nang tumindi laban kay Jabin ang hari ng Canaan, hanggang sa siya ay wasakin nila.

Read Mga Hukom 4Mga Hukom 4
Compare Mga Hukom 4:20-24Mga Hukom 4:20-24