Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 16

Mga Hukom 16:22-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Pero nagsimulang tumubo ulit ang mga buhok sa kaniyang ulo pagkatapos itong ahitan.
23Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, “Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala.
24Nang makita siya ng mga tao, pinuri nila ang kanilang diyos, dahil sinabi nila, “Tinalo ng ating diyos ang ating kaaway at ibinigay siya sa atin—ang maninira ng ating bansa, na pinatay ang marami sa atin.”
25Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, “Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin.” Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi.
26Sinabi ni Samson sa batang lalaki na nakahawak sa kaniyang kamay, “Pahintulutan mo akong hawakan ang mga haligi kung saan nakasandig ang gusali, ng sa gayon makakasandal ako laban sa mga ito.”
27Ngayon ang bahay ay punung-puno ng mga lalaki at mga babae. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Palestina. Sa itaas ng bubong humigit kumulang na tatlong libong mga lalaki at mga babae, na nanunuod habang sila ay inaaliw ni Samson.
28Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata.”
29Hinawakan ni Samson ang gitna ng dalawang haligi kung saan nakasandig ang gusali at sumandal siya laban sa mga ito, isang haligi sa kaniyang kanang kamay, at ang isa sa kaniyang kaliwang kamay.

Read Mga Hukom 16Mga Hukom 16
Compare Mga Hukom 16:22-29Mga Hukom 16:22-29