Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 14

Mga Hukom 14:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Bumaba si Samson sa Timna, at doon nakita niya ang isang babae, isa sa mga dalagang babae ng mga Palestina.
2Nang bumalik siya, sinabihan niya ang kaniyang ama at ina, “May nakita akong isang dalaga sa Timna, isa sa mga dalagang babae ng mga Filestia. Ngayon kunin ninyo siya para sa maging aking asawa.”
3Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina at ama, “Wala na bang ibang mga babae na kabilang sa iyong mga kamag-anak, o kabilang sa ating mga tao? Kukuha ka ba ng isang asawa mula sa mga filisteo na hindi tuli?” Sinabi ni Samson sa kaniyang ama, “Kunin mo siya para sa akin, habang tinitignan ko siya, napapasaya niya ako.”
4Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel).
5Pagkatapos bumaba si Samson sa Timna kasama ang kaniyang ama at ina, at dumating sila sa ubasan malapit sa Timna. At mayroong isa sa mga batang leon ang dumating at umatungal sa kaniya.
6Biglang pumaloob sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh, at doon dinurog niya ang leon ng pira-piraso na kasing dali ng pagdurog sa isang maliit na kambing, at walang anumang bagay sa kaniyang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kanyang ginawa.
7Pumunta siya at nakipag-usap sa babae, at nang tumingin siya sa kaniya, napahanga niya si Samson.
8Lumipas ang mga araw, nang bumalik siya para pakasalan siya, lumiko siya ng daanan para tingnan ang patay na katawan ng leon, At mayroong isang kumpol ng mga pukyutan at pulot ang naiwan sa patay na katawan ng leon.

Read Mga Hukom 14Mga Hukom 14
Compare Mga Hukom 14:1-8Mga Hukom 14:1-8