Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Gawa 20:29-31 in Tagalog

Help us?

Mga Gawa 20:29-31 in Ang Dating Biblia (1905)

29 Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
30 At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
31 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha.
Mga Gawa 20 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Gawa 20:29-31 in Banal na Bibliya

29 Alam ko na pagkatapos ng aking pag-alis, papasukin kayo ng mabagsik na mga lobo, at walang ititira sa kawan.
30 Alam ko na kahit sa inyong mga sarili, may ilang mga tao na lilitaw at magsasabi ng masasamang mga bagay, upang ilayo ang mga alagad sa kanila.
31 Kaya maging mapagbantay. Alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumigil sa pagtuturo sa inyo na may kasamang luha sa araw at gabi.
Mga Gawa 20 in Banal na Bibliya