Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 83:11-18 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 83:11-18 in Ang Dating Biblia (1905)

11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya ni Oreb at ni Zeeb; Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, kunin natin para sa atin na pinakaari ang mga tahanan ng Dios.
13 Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok; Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat, at parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo, at pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan; upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man; Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na ang pangalan ay JEHOVA, ay Kataastaasan sa buong lupa.
Mga Awit 83 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 83:11-18 in Banal na Bibliya

11 Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna.
12 Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.”
13 Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin,
14 tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.
15 Habulin mo sila ng iyong malakas na hangin, at sindakin sila ng iyong bagyo.
16 Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh.
17 Nawa mailagay sila sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay sila sa kahihiyan.
18 At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.
Mga Awit 83 in Banal na Bibliya