Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 83:1-9 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 83:1-9 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Oh Dios, huwag kang tumahimik: huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
2 Sapagka't narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo: at silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
3 Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan, at nangagsanggunian laban sa iyong nangakakubli.
4 Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang ihiwalay sa pagkabansa; upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
5 Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon; laban sa iyo ay nangagtitipanan:
6 Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita; ang Moab at ang mga Agareno;
7 Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec; ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
8 Pati ng Asiria ay nalalakip sa kanila; kanilang tinulungan ang mga anak ni Lot.
9 Gumawa ka sa kanila ng gaya sa Madianita; gaya kay Sisara, gaya kay Jabin, sa ilog ng Cison:
Mga Awit 83 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 83:1-9 in Banal na Bibliya

1 O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos.
2 Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.
3 Sila ay nagsasabwatan laban sa iyong bayan at magkakasamang nagbabalak laban sa iyong mga pinangangalagaan.
4 Sinabi nila, “Halina, at wasakin natin sila bilang isang bansa. Sa gayon ang pangalan ng Israel ay hindi na maaalala pa.”
5 Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan; gumawa sila ng alyansa laban sa iyo.
6 Kabilang dito ang mga tolda ng Edom at ang mga Ismaelita, at ang mga mamamayan ng Moab at ang Agarenos, na nagbalak ng masama kasama nina
7 Gebal, Ammon, Amalek; kabilang din dito ang Filistia at ang mga nakatira sa Tiro.
8 Ang Asiria ay kaanib din nila; sila ay tumutulong sa kaapu-apuhan ni Lot. Selah
9 Gawin mo sa kanila ang tulad ng ginawa mo sa Midian, sa Sisera at sa Jabi sa Ilog ng Kison.
Mga Awit 83 in Banal na Bibliya