Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 57:1-8 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 57:1-8 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako, pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah) susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak.
5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit; mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6 Kanilang hinandaan ng silo ang aking mga hakbang. Ang aking kaluluwa ay nakayuko: sila'y nagsihukay ng isang lungaw sa harap ko. Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag: ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
8 Gumising ka, kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa: ako'y gigising na maaga.
Mga Awit 57 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 57:1-8 in Banal na Bibliya

1 Maging maawain ka sa akin, o Diyos, maging maawain ka, dahil kumukubli ako sa iyo hanggang matapos ang mga kaguluhan na ito. Nananatili ako sa ilalim ng iyong mga pakpak para sa pag-iingat hanggang matapos na ang pagwasak na ito.
2 Mananawagan ako sa Kataas-taasang Diyos, sa Diyos, na ginagawa ang lahat ng bagay para sa akin.
3 Magpapadala siya ng tulong mula sa langit at ililigtas ako, kapag ang taong gusto akong lamunin ay nagagalit sa akin; Selah ipadadala ng Diyos sa akin ang kaniyang katapatan sa tipan at kaniyang pagiging mapagkakatiwalaan.
4 Ang aking buhay ay nasa kalagitnaan ng mga leon; ako ay nasa kalagitnaan ng mga handang lumapa sa akin. Ako ay nasa kalagitnaan ng mga tao na ang mga ngipin ay mga sibat at palaso, at ang mga dila ay matalim na mga espada.
5 Maitanghal ka, O Diyos, sa taas ng kalangitan; nawa ang iyong kaluwalhatian ay maitaas pa sa buong mundo.
6 Naglalatag sila ng isang lambat sa aking mga paa; ako ay nabagabag. Nagbungkal sila ng hukay sa harap ko. Sila mismo ang nahulog sa gitna nito! Selah
7 Ang aking puso ay naninindigan, O Diyos, ang aking puso ay naninindigan; aawit ako, oo, aawit ako ng mga papuri.
8 Gumising ka, marangal kong puso; gumising kayo, plauta at alpa; gigisingin ko ang bukang-liwayway.
Mga Awit 57 in Banal na Bibliya