Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 142:6-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 142:6-7 in Ang Dating Biblia (1905)

6 Pakinggan mo ang aking daing; sapagka't ako'y totoong nababa: iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin; sapagka't sila'y malakas kay sa akin.
7 Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan, upang ako'y makapagpasalamat sa iyong pangalan: kubkubin ako ng matuwid; sapagka't ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.
Mga Awit 142 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 142:6-7 in Banal na Bibliya

6 Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil sila ay mas malakas kaysa sa akin.
7 Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”
Mga Awit 142 in Banal na Bibliya