Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 121:1-4 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 121:1-4 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
3 Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
Mga Awit 121 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 121:1-4 in Banal na Bibliya

1 Itataas ko ang aking mga mata sa mga bundok. Mula saan manggagaling ang aking saklolo?
2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling kay Yahweh, na gumawa ng langit at lupa.
3 Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip.
4 Tingnan mo, ang tagapangalaga ng Israel ay hindi kailanman iidlip o matutulog.
Mga Awit 121 in Banal na Bibliya