Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 6

Levitico 6:15-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Kukuha ang pari ng isang dakot ng pinong harina sa handog na pagkaing butil at sa langis at sa insenso na nasa handog na pagkaing butil, at susunugin niya ito sa altar para magpalabas ng isang mabangong samyo para isipin at magpasalamat tungkol sa kabutihan ni Yahweh.
16Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natira sa handog. Dapat ito kainin nang walang pampaalsa sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
17Hindi ito dapat ihurno nang may pampaalsa. Ibinigay ko ito bilang kanilang bahagi sa aking mga handog na gawa sa pamamagitan ng apoy. Pinakabanal ito, gaya ng handog para sa kasalanan at ng handog na pambayad para sa kasalanan.
18Para sa lahat na panahong darating sa lahat ng mga salinlahi ng iyong bayan, maaaring makakain nito bilang kaniyang bahagi ang anumang lalaki na nagmumula kay Aaron, kinuha mula sa mga handog kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Magiging banal ang sinumang humipo ng mga ito.”'
19Kaya muling nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
20“Ito ang handog ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki, na kanilang ihahandog kay Yahweh sa araw na kung kailan papahiran ng langis ang bawat anak na lalaki: isang ikasampung bahagi ng isang ephah ng pinong harina bilang isang karaniwang handog na pagkaing butil, kalahati nito sa umaga at kalahati nito sa gabi.
21Gagawin ito sa isang panghurnong kawali na may langis. Kapag nababad na ito, dadalhin mo ito sa loob. Sa inihurnong pira-piraso ihahandog mo ang handog na pagkaing butil para magpalabas ng mabangong samyo para kay Yahweh.
22Ang anak na lalaki ng punong pari na siyang magiging bagong punong pari mula sa kaniyang mga anak na lalaki ang siyang mag-aalay nito. Gaya ng iniutos magpakailanman, susunugin ang lahat ng mga ito para kay Yahweh.
23Lubusang susunugin ng pari ang bawat handog na pagkaing butil. Hindi ito dapat kainin.”

Read Levitico 6Levitico 6
Compare Levitico 6:15-23Levitico 6:15-23