Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 4

Levitico 4:9-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa puson, at ang umbok ng atay, kasama ang mga bato— aalisin niya itong lahat.
10Aalisin niya ang lahat ng ito, gaya ng kaniyang pag-alis nito mula sa torong alay ng handog para sa kapayapaan. Pagkatapos susunugin ng pari ang mga bahaging ito sa altar para sa mga handog na susunugin.
11Ang balat ng toro at anumang natirang laman, kasama ang ulo at ang mga binti at ang mga panloob na bahagi at ang dumi nito,
12ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
13Kung nagkasala ang buong kapulungan ng Israel nang hindi sinasadya, at hindi alam ng kapulungan na nagkasala sila at nakagawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala sila,
14pagkatapos, kapag naging hayag ang kasalanang ginawa nila, sa gayon dapat maghandog ang kapulungan ng isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at dalhin ito sa harap ng tolda ng pagpupulong.
15Ipapatong ng mga nakatatanda ng kapulungan ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro sa harap ni Yahweh, at papatayin ang toro sa harapan ni Yahweh.
16Dadalhin ng hinirang na pari ang kaunting dugo ng toro sa tolda ng pagpupulong,
17at isasawsaw ng pari ang kaniyang daliri sa dugo at iwiwisik ito nang pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina.
18Maglalagay siya ng kaunting dugo sa mga sungay ng altar na nasa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
19Aalisin niya ang lahat ng taba mula rito at susunugin ito sa altar.
20Ganyan ang dapat niyang gawin sa toro. Gaya ng kaniyang ginawa sa torong handog para sa kasalanan, gayon din ang kaniyang gagawin sa torong ito, at gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao, at papatawarin sila.
21Bubuhatin niya ang toro sa labas ng kampo at susunugin ito gaya ng pagsunog niya sa unang toro. Ito ang handog para sa kasalanan para sa kapulungan.
22Kapag nagkasala ang isang namumuno nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anuman sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh na kanyang Diyos na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
23pagkatapos kung ipinaalam sa kaniya ang kasalanang kaniyang ginawa, dapat siyang magdala para sa kaniyang alay ng isang kambing, isang lalaking walang kapintasan.

Read Levitico 4Levitico 4
Compare Levitico 4:9-23Levitico 4:9-23