Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 2

Levitico 2:8-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Dapat ninyong dalhin kay Yahweh ang butil na handog na ginawa mula sa mga bagay na ito, at idudulog ito sa pari, na siyang magdadala nito sa altar.
9Pagkatapos kukuha ang pari ng ilan mula sa butil na handog upang alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh, at susunugin niya ito sa altar. Magiging isang handog ito sa pamamagitan ng apoy, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
10Mabibilang kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natira sa butil na handog. Ganap na inilaan ito kay Yahweh mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy.
11Walang butil na handog na inyong ihahandog kay Yahweh ang gagawing may pampaalsa, dahil hindi kayo dapat magsunog ng pampaalsa, ni anumang pulot, bilang handog na ginawa kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
12Ihahandog ninyo ang mga ito kay Yahweh bilang isang handog ng unang mga bunga, pero hindi gagamitin ang mga iyon upang magbigay ng mabangong halimuyak sa altar.
13Dapat ninyong timplahan ng asin ang bawat butil ninyong handog. Hindi ninyo kailanman dapat hayaang mawala ang asin ng kasunduan ng inyong Diyos mula sa inyong butil na handog. Kasama ng lahat ng inyong mga handog dapat maghandog kayo ng asin.

Read Levitico 2Levitico 2
Compare Levitico 2:8-13Levitico 2:8-13