Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 27

Levitico 27:8-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Pero kung ang taong gumawa ng panata ay hindi makabayad ng pamantayang halaga, kung gayon dapat iharap sa pari ang taong ibinigay, at bibigyang halaga ng pari ang taong iyon sa pamamagitan ng halagang makakaya ng isang gumagawa ng panata.
9Kung gusto ng isang tao na mag-alay ng isang hayop kay Yahweh, at kung tatanggapin ito ni Yahweh, sa gayon ang hayop na iyon ay ilalaan sa kanya.
10Hindi dapat baguhin o palitan ng isang tao ang isang hayop na iyon, isang mabuti para sa isang masama o isang masama para sa isang mabuti. Kung gagawin niyang baguhin ang isa para sa iba, sa gayon parehong mga hayop at ang isa na ipinagpalit ay magiging banal.
11Gayunman, kung ang panunumpa ng isang tao na ibigay kay Yahweh ay totoong marumi, kung kaya hindi ito tatanggapin ni Yahweh, sa gayon dapat dalhin ng tao ang hayop sa isang pari.
12Bibigyang halaga ito ng pari, sa pamamagitan ng halaga ng hayop sa pamilihan. Anuman ang halaga na ibinigay ng pari sa hayop, iyon ang magiging halaga nito.
13At kung nais ng may-ari na tubusin ito, ang ikalima ng halaga nito ay idadagdag sa pantubos na presyo nito.
14Kung ninanais ng isang tao na ilaan ang kaniyang bahay para ibukod para kay Yahweh, sa gayon tatantiyahin ng pari ang halaga nito. Anuman ang ibibigay na halaga ng pari dito, iyon ang magiging halaga nito.
15Pero kung ilalaan ng may-ari ang kaniyang tahanan at katagalan ninais na tubusin ito, ang ikalima ng halaga nito ay idadagdag sa pantubos na presyo, at pagkatapos magiging kaniyang muli ang bahay.
16Kung ninanais ng isang tao na ilaan kay Yahweh ang ilan sa kaniyang lupa, sa gayon ang pagtataya ng halaga nito ay gagawin alinsunod sa halaga ng binhing kinakailangan upang itanim dito. Magkakahalaga ng limampung siklo ng pilak ang isang homer ng sebada.
17Kung ilalaan niya ang kaniyang bukid sa panahon ng Taon ng Paglaya, ang tinatayang halaga ay mananatili.
18Pero kung ilalaan niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng Paglaya, sa gayon dapat kwentahin ng pari ang halaga ng lupa ayon sa bilang ng mga taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Paglaya, at dapat bawasan ang tinatayang halaga.
19Kung ang taong naglaan ng bukid ay nagnanais na tubusin ito, sa gayon dapat siyang magdagdag ng ikalima sa tinatayang halaga, at ito ay magiging kaniyang muli.
20Kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipagbili niya ang bukid sa ibang tao, hindi na ito matutubos kailanman.
21Sa halip, ang bukid, kapag ibinalik ito sa Paglaya, magiging isang banal na regalo kay Yahweh, katulad ng bukid na ganap na ibinigay kay Yahweh. Mabibilang ito sa pari.
22Kung ilalaan ng isang tao kay Yahweh ang bukid na kanyang binili, pero ang bukid na iyon ay hindi bahagi ng lupain ng kanyang pamilya,
23pagkatapos aalamin ng pari ang tinatayang halaga hanggang sa Taon ng Paglaya, at dapat bayaran ng tao ang halaga sa araw na iyon bilang isang banal na regalo kay Yahweh.

Read Levitico 27Levitico 27
Compare Levitico 27:8-23Levitico 27:8-23